March 25, 2025

Home BALITA

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang umano’y agam-agam ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa papalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).

Sa pagharap sa media ni VP Sara sa The Hague noong Sabado, Marso 22, 2025, sinabi niya ang ilan daw sa kanilang napag-usapan, matapos ang naging pagbisita niya sa dating Pangulo.

“Nagtatanong lang siya sa mga timelines kasi nga malapit na yung eleksyon,” ani VP Sara.

Matatandaang nauna nang ihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chariman George Erwin Garcia, na hindi pa umano diskwalipikado ang kandidatura ni dating Pangulong Duterte sa pagka-alkalde sa Davao City, sa kabila ng pagkakaaresto sa kaniya ng International Criminal Court (ICC). 

NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, kandidato pa rin sa pagka-Davao City mayor kahit inaresto ng ICC

Samantala, inilahad din ni VP Sara ang sinabi umano ng kaniyang ama tungkol sa ikinakatakot nito na maaaring mangyari sa eleksyon. 

“Tinanong niya kung papaano siya makakabalik dahil nga meron din siyang eleksyon sa Davao City. So, iyon yung napag-usapan kanina, iyong kampanya at eleksyon na nangyayari sa ating bayan. At nag-express din siya ng fears niya, apprehensions niya, sa baka merong mangyaring dagdag-bawas, iyong mga ganoon na mga usapan sa eleksyon, sa halalan,” anang Pangalawang Pangulo.