Ikinaloka ni "Unang Hirit" host at Kapuso actress Shaira Diaz ang ginawang pasabog ng kaniyang fiance na si EA Guzman sa ginanap na fashion show ng isang apparel brand sa Pasay City noong Biyernes, Marso 21.
Ikinagulat kasi ng audience ang biglang pagbaba ni EA sa kaniyang boxer's briefs habang rumarampa sa runway at ipinakita sa madlang pipol ang kaniyang puwet.
Bukod dito, sa harapan naman ay galit na galit ang kaniyang "umbok."
Maging si Shaira ay naloka sa ginawa ng mapapangasawa at shinare din niya ang video ng GMA News tungkol dito.
"NALOKA AKO SIZ"
"Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko alam na ng lahat itsura susginoo! Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!" aniya sa kaniyang Facebook posts.
Samantala, may mensahe naman ang mga netizen kay Shaira.
"At Least Ikaw Lang makakahawak Mam"
"So alam mo na mag-ready ka na hahahaha"
"Huling pasaway nya na daw Yun bago ikasal sau miss Shaira Diaz"
"Makinis naman daw po hahaha"
"Pwet lang yan no problem ahahaha"
"Sayong-sayo yan hindi lang likod, pati harapan hahahaha."
MAKI-BALITA: Sey mo, Shaira? Puwet ni EA Guzman, bumulaga sa fashion show
Matatandaang sa mga panayam, aminado sina EA at Shaira na kahit matagal na silang mag-jowa ay wala pang nangyayari sa kanila.
MAKI-BALITA: Kahit 12 taon nang magkarelasyon: EA, 'di pa rin 'ginagalaw' si Shaira
MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’