April 02, 2025

Home SHOWBIZ Events

Sey mo, Shaira? Puwet ni EA Guzman, bumulaga sa fashion show

Sey mo, Shaira? Puwet ni EA Guzman, bumulaga sa fashion show
Photo courtesy: Screenshots from GMA News (FB)/@esbi5Kings (X)

Naloka ang mga manonood sa ginawa ni Kapuso actor EA Guzman sa idinaos na fashion show ng isang apparel brand matapos niyang ipasilip ang kaniyang wetpaks.

Sa video na ibinahagi ng GMA News, makikitang naka-underwear lamang na rumampa si EA at nang tumalikod siya, ibinaba niya nang bahagya ang kaniyang saplot na nagpasilip sa kaniyang "mga pisngi."

Dinig naman ang hiyawan sa audience na hindi inasahan ang ginawa ni EA.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

Events

Awra Briguela sa yate nag-birthday party, umani ng reaksiyon

"Bakit ganun mas makinis pa pwet ni EA kesa sa mukha ko huhuhu"

"Sana pati harap na rin pinakita hahahaha"

"Saraaaap suwerte naman ni Shaira hahaha"

"Naunahan ka na namin makita Shaira hahaha."

"wala na Shaira, nakita na namin"

"Bat parang ang hambog ng dating. Dear Shaira, madami kapang time para makapag isip isip bhe Akala ko God-centered relationship sila."

"Bakit may pa-butt reveal hahaha"

"Nakakaloka!"

Samantala, napa-react na rin maging ang fiancee ni EA na si Shaira Diaz tungkol dito.

"NALOKA AKO SIZ"

"Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko alam na ng lahat itsura susginoo! Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!" aniya sa kaniyang Facebook posts.