March 23, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD
photo courtesy: Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Sen. Imee Marcos (Facebook)

Wala raw problema kay Senador Imee Marcos kahit hindi siya binanggit ng kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas slate sa Trece Martires, Cavite, noong Biyernes, Marso 21.

MAKI-BALITA: PBBM, 'di binanggit pangalan ni Sen. Imee sa campaign rally ng Alyansa

Nangyari ito matapos pangunahan ni Sen. Imee ang pag-imbestiga sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes, Marso 20. 

MAKI-BALITA: Sen. Imee, tinawag na ‘pang-aalipin’ ang ‘hustisyang ipinapataw ng dayuhan’

Eleksyon

Sen. Imee, walang alam kung kasama pa siya sa Alyansa: 'Hindi ko alam'

Nauna na ring sinabi ng senadora na hindi siya dadalo sa naturang campaign rally ng Alyansa dahil mas mahalaga raw para sa kaniyang pagtuunan ang imbestigasyon ng naging pag-aresto kay Duterte.

MAKI-BALITA: Sen. Imee, 'di dadalo sa Alyansa rally; mas importante raw kaso ni FPRRD

Samantala, hiningan ng reaksyon si Sen. Imee tungkol sa hindi pagbanggit sa kaniya ng pangulo sa naturang campaign rally.

"Ayos lang sa akin. Wala namang problema doon. Okay lang dahil nakatutok ako sa pagsisiyasat ng pagkuha kay FPRRD sa Pilipinas patungong the Hague. Unahin natin ang pagtanggol sa ating soberanya, kaysa sa politika't kampanya," saad ng senador nitong Sabado, Marso 22.

Kaugnay nito, inamin din ni Sen. Imee na matagal na silang hindi nag-uusap ng kaniyang kapatid.

"Hindi na kami nag-uusap, matagal na," aniya. "Maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang sa aming mag-usap."