Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang isang post na makikita sa verified Facebook account ni "Binibining Marikit" star Herlene Budol tungkol sa suspensyon ng klase dahil sa init ng panahon.
Sa verified account ng Kapuso beauty queen-actress na "Herlene Hipon Budol" na may 6.6M followers, mababasa ang isang post noong Marso 19 tungkol sa pagsuspinde ng mga klase dahil sa mataas na heat index.
"Mga chikiting ngayon kapag mainit, suspended klase. Kami noon tanghaling tapat, naggagarden," mababasa sa Facebook post.

Humamig naman ito ng 10k reactions, 1.2k shares, at 609 comments habang isinusulat ang artikulong ito.
Narito ang ilan sa pulso ng netizens:
"Hindi Po Ksi idol gnon ka tindi Ang init noon s ngayon pero naranasan ko Rin Yan"
"Oo nga..."
"ayan na naman ang mga BaTAnG 9o's kuno nag fe feeling superior 'di muna ginamit utak para alaming iba ang init noon at ngayon"
"Kayo rin namang matatanda may kasalanan ei. Saka mag-aral ka about climate change para alam mo heat index noon sa ngayon at kung paano sirain ninyong matatanda ang environment that causes climate change."
"Naalala ko po yan Sabi mag garden daw kmi magtatanim ng gulay na radish at carrots, pero nagtataka tlga Ako sa carrots at Puno ng bulaklak na calachuchi, sorry po pero totoo yan"
"May climate change na nangyayari eh aware poba kayo dun? Compare mo naman yung init noon sa init ngayon."
"Count me in..."
Matatandaang sanay at tipikal na nagagaganap ang suspensyon ng mga klase kapag may bagyo, malakas na pag-ulan, o may kalamidad.
Pero sa mga nagdaang taon, nagkakaroon na rin ng mga kanselasyon ng klase dahil sa labis na init na puwedeng magdulot ng mga banta sa kalusugan sa mga guro at mag-aaral.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?