Inamin ng aktres na si Arci Muñoz na nagsisi rin naman siya sa pagpaparetoke at kung maibabalik lang daw ang panahon, hindi na niya gagawin ito, subalit kailangan na lang daw niyang panindigan dahil wala na siyang magagawa.
Iyan ang rebelasyon ni Arci sa pagsalang niya sa panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan.
Aniya, wala lang daw kasing nag-guide sa kaniya noon, at kung anuman daw kasi ang maibigan niyang gawin sa sarili niya, ay talagang hindi siya nagpapaawat na gawin ito.
Naniniwala rin si Arci na may purpose daw si God kung bakit ganito ang nangyari sa kaniya. Aminado rin siyang isa siyang "spontaneous" at kung anong gusto niya ay talagang ginagaya niya, kahit sabay-sabay pa.
"Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa ‘kin ‘tong mga ‘to. Na parang kasi may mga regrets din ako pagdating d’yan eh. Pero alam mo, inano ko talaga, sinabi ko sarili ko God has a purpose because I learned," aniya.
Kaya kung may ibang babae raw na magtatanong sa kaniya tungkol sa pagpaparetoke, agad daw niyang ipapayo na huwag nang subukin.
"Wala kasing nag-guide sakin. I do whatever I want. If I can go back to that time when I didn’t touch anything, I would go back there," ani Arci.