April 02, 2025

Home BALITA National

Kahit anti sa kaniya: Jimmy Bondoc sa vloggers: 'I stand with you!'

Kahit anti sa kaniya: Jimmy Bondoc sa vloggers: 'I stand with you!'
Photo courtesy: Jimmy Bondoc (FB)

Ibinahagi ng singer-turned-lawyer at tumatakbong senador na si Atty. Jimmy Bondoc ang kaniyang pagsuporta sa "vloggers," kahit pa sa mga "anti" o laban sa kaniya.

Sa kaniyang simpleng Facebook post noong Biyernes, Marso 21, sinabi ni Bondoc na siya ay tumitindig para sa vloggers, kahit na hindi sang-ayon sa kaniya.

"I stand with the Vloggers. Kahit mga anti sa akin. I stand with you," aniya.

Matatandaang sa parehong araw ay ginisa ng House tri-committee ang ilang umano'y vloggers na nasasangkot sa pagpapakalat umano ng fake news at maling impormasyon sa social media, sa pangunguna ng dating presidential spokesperson ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

National

Babala ng Chinese embassy sa Chinese nationals: 'Public security in the Philippines has been unstable'

MAKI-BALITA: Gen. Torre, pinabulaanang nagkaroon ng ‘mass resignation’ sa pulisya matapos arestuhin si FPRRD