March 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'
Photo courtesy: Screenshot from Herlene Hipon Budol (FB)/PBBABSCBN (TikTok)

Usap-usapan ang tila "pakiusap" ni "Binibining Marikit" star at Kapuso beauty queen-actress Herlene Budol kay "Kuya" ng reality show na "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na papasukin siya sa loob para talakan niya ang "namamlastik" kay Kapuso actress celebrity housemate Ashley Ortega.

Noong Marso 19 ay makikita sa verified Facebook account ni Herlene na "Herlene Hipon Budol" na may 6.6M followers ang isang video kung saan sinagot niya ang tanong ng netizens kung papasok daw ba siya sa Bahay ni Kuya.

Matatandaang nagkaroon ng makasaysayang kolaborasyon ang ABS-CBN Studios at GMA Network sa muling pagbubukas ng PBB house, kaya kasalukuyang napapanood din sa Kapuso Network ang PBB. Isa nga sa mga Kapuso artist na kabilang sa housemates ay si Ashley Ortega.

Sagot ni Herlene, hindi raw niya ilalagay ang sarili niya roon dahil baka mapanood ng madlang people ang tunay niyang ugali.

Tsika at Intriga

Post ni Herlene Budol tungkol sa suspensyon ng klase dahil sa init, umani ng reaksiyon

"Tapos malaman-laman ko may mambabackstab sa akin, ay 'day, sinasabi ko sa inyo, wala nang maipapalabas puro 'bleep! bleep!' na lang..."

"Pero siyempre eme lang," pakli ni Budol. "Halimbawa lang may mga maaarte do'n, hindi marunong magsaing, uy 'day hindi ako pumasok dito para gawin mong katulong..."

Sa comment section naman ay kapansin-pansin ang pahabol niyang komento.

"Parang naawa ako kay ashley! kuya pasok moko talakan ko lang mga namamlastik kay ashley sa loob."

Photo courtesy: Screenshot from Herlene Hipon Budol (FB)

Hindi naman binanggit ni Herlene kung sino ang tinutukoy niyang "namamlastik" kay Ashley.

Kaya hirit ng mga netizen, sana raw ay ipasok nang tuluyan si Herlene sa Bahay ni Kuya dahil tiyak daw na bardagulan ito kapag nagkataon.

Matatandaang sa isang episode ng PBB ay hindi napigilan ni Ashley na maging emosyunal matapos niyang maglabas ng saloobin kay Kuya, matapos makaramdam ng matinding kalungkutan, na hindi raw niya maipaliwanag. 

Mas lalo pa raw tumindi ang nararamdaman niya nang magpaalam na rin mula sa loob ang boyfriend at Kapuso PBB host na si Mavy Legaspi, at ang Kapamilya house guest na si Ivana Alawi. 

Tingin pa ng mga netizen lalo na ng mga tagahanga ni Ashley, nakadagdag din sa emosyon ng Kapuso actress ang nasabi ng Kapamilya celebrity housemates na sina AC Bonifacio at Kira Balinger.

Nakapagbigay kasi ng komento si AC na sa kaniyang palagay, hindi pa raw nagpapakatotoo si Ashley sa kanila, bagay na sinang-ayunan naman ni Kira, nang nagdedesisyon na ang Kapamilya housemates kung sinong Kapuso housemate ang bibigyan nila ng immunity. 

Sa halip na si Ashley, si Charlie Fleming ang binigyan nila ng immunity.