March 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Gatchalian, inendorso si Pangilinan: ‘Marami siyang maitutulong sa ating bansa!’

Sen. Gatchalian, inendorso si Pangilinan: ‘Marami siyang maitutulong sa ating bansa!’
(Courtesy: Kiko Pangilinan/FB)

Nagpahayag ng suporta si Senador Win Gatchalian sa senatorial bid ni dating Senador Kiko Pangilinan sa 2025 midterm elections.

Nitong Biyernes, Marso 21, nang salubungin ni Sen. Win, kasama ang kaniyang kapatid na si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, si Pangilinan sa lungsod upang iendorso ito.

“Ang trabaho po namin ay gumagawa ng batas, pero pakaunti nang pakaunti ang mga abogado sa loob ng Senado. Si Senator Kiko, bilang isang abogado, marami siyang maitutulong sa ating bansa," anang senador.

Binanggit din ni Sen. Win kung paano raw nagsulong si Pangilinan ng batas para sa sektor ng agrikultura ng bansa.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

“Nagbibigay ito ng dagdag na kita sa ating mga magsasaka at mangingisda. Dahil sila’y kumikita, magiging maginhawa at masaya ang kanilang buhay, dadami ang kanilang ani, at magkakaroon tayo ng food security," saad niya.

Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa darating na Mayo 12, 2025.