March 21, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa pananatili niya sa The Netherlands: ‘May duty rin ako sa isang kababayan natin!’

VP Sara sa pananatili niya sa The Netherlands: ‘May duty rin ako sa isang kababayan natin!’
Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte (Photo: ICC via Balita-MB/screengrab; Keith Bacongco/MB)

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang panawagan ng Malacañang na bumalik na siya ng Pilipinas mula sa The Hague, Netherlands at gampanan ang kaniyang tungkulin sa Office of the Vice President (OVP).

Kasalukuyang nasa The Hague si VP Sara para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto noong Marso 11 sa bisa ng warrant ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Kaungay nito, sa isang press briefing nitong Huwebes, Marso 20, sinabi ni VP Sara na hindi naman daw niya ginustong manalatili sa The Netherlands dahil nasa Pilipinas din daw ang kaniyang pamilya at trabaho.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

“Pero as Vice President, may duty din ako sa isang kababayan natin, isang Filipino citizen who is held against his will dito sa ICC detention center,” ani VP Sara.

“So huwag nating isipin na tatay ko siya. Isipin na lang natin na Vice President ako at gumagawa ako ng paraan kung paano maibalik natin ang isang Filipino citizen sa ating bayan,” dagdag niya.

Sinabi rin ng bise na hindi niya nakakalimutan ang kaniyang trabaho sa Pilipinas at nagmu-”multitask” daw siya upang gampanan ito habang nasa The Hague pa siya.

“Hindi ko nakakalimutan ang aking trabaho diyan sa Office of the Vice President. Araw-araw kaming nag-uusap ng aking mga kasamahan. Iilan na lang ang naiwan na projects dahil approximately P700M yung budget namin diyan,” anang bise.

Paliwanag ng bise, nakatutok daw ngayon ang adbokasiya ng OVP sa edukasyon ng kabataan kaya’t karamihan daw ng kanilang projects ay magdedepende sa “end of school year.”

“Multitasking ako. Nandito ako as vice president, ginagawan ng paraan paano maibalik ang dating pangulo sa ating bayan. Nagtatrabaho ako through our satellite offices, through our central office of the Office of the Vice President, tuloy-tuloy ang serbisyo namin para sa bayan. 

“At yes, wala po akong balak na tumira dito sa The Netherlands. Hindi ko po gustong tumagal dito,” ani VP Sara.

“Alam ko kung paano mag-balanse ng trabaho dahil mas mahirap pa ang trabaho ng isang mayor kasi sobrang dami ng issues and concerns ng isang lugar. So marunong na ako

bumalanse,” saad pa niya na pinatutungkulan ang kaniyang pagiging mayor noong ng Davao City bago siya mahalal bilang bise noong 2022.

Samantala, sinabi rin ng bise na hindi pa niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa The Hague dahil hindi pa umano nabuo ang legal team ng dating pangulo.

Kamakailan lamang inanunsyo ni VP Sara na si British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman ang tatayong lead counsel ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Sino si Nicholas Kaufman na tatayong lead counsel ni FPRRD sa ICC?

Nakatakda ang confirmation of charges hearing ni FPRRD sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD