“I pray that we do not lose our country next…”
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na ginagamit lamang umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang International Criminal Court (ICC) upang “i-demolish” ang oposisyon matapos ang pag-aresto sa ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang pahayag sa pagdinig ng Senado hinggil sa pag-aresto kay FPRRD, muling iginiit ni VP Sara na “mali” ang ginawa ng pamahalaan sa kaniyang ama.
“We have now lost a former president. I pray that we do not lose the country next.
“Your Honor, Senators Cayetano and Marcos, and other Senators present, alam naman natin lahat at alam nila na mali ang ginawa nila. Ginawa nila yun just to demolish political opponents,” giit ng bise.
“This is all about politics. The administration is using government resources, the ICC, to demolish the opposition. Wala na tayong argument. Mali ang ginawa,” dagdag niya.
Kaugnay nito, kinuwestiyon ni VP Sara kung ano ang gagawin ng komite ng Senado upang maibalik ng bansa si FPRRD dahil mag-isa lamang daw siya ngayon sa The Hague, Netherlands.
“Ang tanong ngayon, ano ang gagawin natin para maibalik ang dating Pangulo sa Pilipinas? Kasi nag-iisa ako ngayon dito na gumagawa ng paraan para maibalik ang ating dating Pangulo sa ating bayan,” aniya.
Matatandaang noong Marso 11 nang arestuhin si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport at dinala sa headquarters ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing ng dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD