Ipinag-utos ni Vice President Sara Duterte na magpaliwanag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nitong hayaan ang umano’y ilegal na pagkaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang mensahe sa Senate hearing nitong Huwebes, Marso 22, 2025, na inorganisa ni reelectionist Senator Imee Marcos upang imbestigahan ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte, diretsahang iginiit ni VP Sara ang kagustuhan umano niyang magsalita ang kampo ng AFP.
"Gusto ko na sumagot ang Armed Forces of the Philippines, kung bakit nila pinayagan na mangyari ito? Because under the law, the Presidential Security Command is in charge of the security of former presidents. So bakit nila hinayaan na mangyari ito sa isang dating Pangulo ng ating bayan?” ani VP Sara.
Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng International Criminal Court (ICC) para umano sa kaso niyang crime against humanity.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Kaugnay naman ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte, nauna nang nilinaw ng AFP na nananatili raw silang tapat sa kanilang tungkuling sinumpaan.
“Our personnel continue to remain focused on our sworn duty, upholding the rule of law and the chain of command,” anang opisyal na pahayag ng AFP.
KAUGNAY NA BALITA: AFP, pinabulaanan umano'y 'mass resignation' ng mga sundalo para kay FPRRD