March 21, 2025

Home BALITA National

Usec. Castro kay Sen. Imee: 'Hindi po natin ninais na maging probinsya rin po ng China'

Usec. Castro kay Sen. Imee: 'Hindi po natin ninais na maging probinsya rin po ng China'
(screenshot: PCO/FB, Senate of the Philippines/YT)

"Hindi po natin ninais na maging probinsya rin po ng Fujian, China."

Nagbigay-pahayag si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro tungkol sa sinabi ni Senador Imee Marcos na "kailan pa naging probinsya ng The Hague ang Pilipinas."

Sa kaniyang manifestation sa Senate hearing ng pag-aresto kay Duterte nitong Huwebes, Marso 20, kinondena ni Senador ang pagsuko umano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

"Sabi nila, batas ang dapat manaig. Tama. But whose law? Ours or theirs? Since when did the Philippines become a province of The Hague?” giit ni Marcos.

National

Pulis na kinasuhan ng sedisyon, 'di na raw mambabatikos sa social media?

MAKI-BALITA: Tanong ni Sen. Imee: 'Pinas, kailan pa naging 'province of the Hague?'

Samantala, sa isangg press briefing nito ring Marso 20, hiningan ng reaksyon si Usec. Castro hinggil sa naturang pahayag ni Senador Imee.

"'Di po natin ninais na maging probinsya ng kahit anoman dahil tayo po ay isang independent country. Hindi po natin ninais na maging probinsya rin po ng Fujian, China. Never natin naisip 'yan na maging probinsya tayo ng anomang bansa. 

"Nagpapatupad lamang po tayo ng batas at kung 'yun po ang sinasabi po ni Senator Imee, siguro ayan lamang po ang paniniwala natin dahil kahit po sa panahon ngayon ni Pangulong [Bongbong] Marcos, hindi natin sinusuko ang anomang karapatan natin sa West Philippine Sea... Hindi po natin ibibigay ang karapatan natin kahit kaninoman," saad pa ni Usec. Castro.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD