March 21, 2025

Home BALITA National

Sen. Go, binuweltahan PNP Spokesperson: 'Ilang beses ka na nagsisinungaling'

Sen. Go, binuweltahan PNP Spokesperson: 'Ilang beses ka na nagsisinungaling'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Inihayag ni reelectionist Senator Bong Go ang pagkadismaya niya kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Jean Fajardo hinggil sa umano'y mga pahayag na binitawan nito kaugnay sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA:'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Sa kaniyang mensahe sa Senate hearing, na inorganisa ni reelectionist Senator Imee Marcos upang imbestigahan ang paghuli kay dating Pangulong Duterte, tahasang iginiit ni Go na makailang beses na umanong nagsisinungaling si Fajardo. 

"Sa totoo lamang po, ilang beses na po nagsinungaling si, now Brigadier General Jean Fajardo. Sana po, ma'am, spokes, bilang spokesperson, totoo lang po ang sabihin mo alang-alang sa bayan. Your duty is to be loyal, to our flag and to our country. Minaha namin kayo ni dating Pangulong Duterte, sana, kaunting respeto lamang po,” anang senador. 

National

Pagbalik ni FPRRD sa Pilipinas, imposible na? sey ng isang abogado

Pinuna rin ni Go si Fajardo matapos umano siyang talikuran nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong tinanong niya raw ito kung saan maaaring dumaan upang malapitan si dating Pangulong Duterte kasabay ng naging pag-aresto sa kaniya. 

Iginiit din ng senador ang naging pahayag ni Fajardo matapos umano nitong pabulaanan ang nag-viral na video ng ilang pulis na di umano’y umiiyak habang inaaresto si dating Pangulong Duterte. 

“Sa interview mo, sinabi mo na nagpunas lang ng pawis ang mga pulis na nakunan ng video na umiiyak habang inaaresto si Pangulong DUterte. Mapigilan mo bang umiyak? Eh nasasaktan po 'yan. Doon na lamang po tayo sa katotohanan at piliin lang na magsabi ng totoo, alang-alang sa bayan.”

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD