March 22, 2025

Home BALITA National

Ilang cabinet members, nanindigang 'di tumulong ang Pinas sa ICC

Ilang cabinet members, nanindigang 'di tumulong ang Pinas sa ICC
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo and Gibo Teodoro/Facebook

Nanindigan ang ilang miyembro ng gabinete na sina Department of Justice (DOH) Jesus Crispin "Boying" Remulla, Defense Secretary Gilberto Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año na hindi umano nakipag-ugnayan ang bansa sa International Criminal Court (ICC) upang maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA:'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO 

Sa kanilang pagdalo sa Senate hearing nitong Huwebes, Marso 20, 2025,, na inorganisa ni reelectionist Senator Imee Marcos upang imbestigahan ang pag-arestoi kay dating Pangulong Duterte, nilinaw nina Remulla, Teodoro, at Año na hindi umano nakikipagtulungan ang bansa sa ICC. 

"We did not assist the ICC. We never had contact with them, the investigation that they conducted was through their own methods and we did not, in any way, assist them," saad ni Remulla. 

National

AFP, nananatiling ‘solid’ sa Konstitusyon sa kabila ng sitwasyon sa politika – DND Sec. Teodoro

Iginiit din ni Teodoro na wala umanong ahensya ng gobyerno, lalo na ang Department of National Defense (DND) na nakikipag-ugnayan sa ICC magmula nang kumalas ang Pilipinas na magkaroon ito ng hurisdiksyon sa bansa. 

"The President's statement is binding and I defer to Secretary Remulla that no government agency, the Department of National Defense, has ever cooperated with the ICC," ani Teodoro. 

Dagdag naman ni Año, "We did not assist ICC in their investigation." 

Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng International Criminal Court (ICC) para umano sa kaso niyang crime against humanity.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD