March 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!
Photo courtesy: Freepik

Dead on arrival na nang isugod sa ospital ang isang apat na taong gulang na batang babae matapos umanong sakalin ng sarili niyang ina sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao kamakailan, sinubukan pa umanong pagtakpan ng 25-anyos na suspek ang kaniyang krimen matapos niyang sabihin sa ospital na nadulas lang daw ang kaniyang anak sa banyo. Hindi raw ito pinaniwalaan ng doktor dahil hindi nila nakitaan ng anumang sugat ang bata na nagpapakita ng kaniyang pagkakadulas. 

Kinalauna’y umamin din umano ang ina ng biktima sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Puerto Police Station.

Lumalabas sa imbestigasyon na nabalingan daw ng suspek ang kaniyang anak dahil ilang araw na umano siyang hindi kinakausap ng kaniyang asawa na nasa Cebu City.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Ayon naman sa ilang kaanak ng suspek, posible umanong madamay pa ang isang taong gulang niyang anak kung wala raw agad na nakita sa sinapit ng biktima. 

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination (RA 7610) at reklamong parricide.