March 19, 2025

Home BALITA National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao
Photo courtesy: Richard Heydarian (FB)

Ibinahagi ng political analyst-TV host na si Richard Heydarian ang screenshot ng latest data na ipinadala raw sa kaniya ng isang kaibigan patungkol sa human development index (HDI) ng Mindanao, noong 2024.

Ayon sa Facebook post ni Heydarian, isang "good academic friend" daw ang nagpadala sa kaniya ng kopya ng HDI values ng Mindanao as of 2024.

"I stand CORRECTED (with this data UPDATE!). Latest DATA on HUMAN DEVELOPMENT INDEX (HDI) is in!!! Thanks to a good academic friend for forwarding this," aniya.

Dagdag pa, kukumpirmahin muna niya ang mga nakuhang impormasyon mula sa database ng National Economic and Development Authority (NEDA), pero ikinatutuwa raw niya ang progreso at HDI score ng Mindanao.

National

DOTr, makikipagdayalogo sa MANIBELA sa nakaambang 3-day transpo strike

Muli niyang iginiit ang paghingi ng dispensa sa mga taga-Mindanao matapos ang kontrobersiyal na panayam sa kaniya ng CNN, kung saan nakumpara niya sa "sub-Saharan Africa" ang HDI ng Mindanao, bagay na pinalagan naman ng mga tagaroon, maging ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

"I still need to confirm this database with NEDA, but more than happy to see such IMMENSE PROGRESS in MINDANAO & its HDI score — and again my sincere apologies again for any unintended hurt to our great kababayans will see to it to use this 2024 data (once fully confirmed) for my future engagements "

Matatandaang dahil sa kontrobersiyal na pahayag, ilan sa mga lugar sa Mindanao ang nagpadeklarang "persona non grata" sa kaniya.

BASAHIN: ALAMIN: Mga lungsod sa Mindanao na nagdeklarang 'persona non grata' kay Richard Heydarian