March 20, 2025

Home BALITA Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba
Photo courtesy: Freepik and contributed photo

Patay na nang matagpuan ang isang batang babae na hinihinalang ginahasa at saka pinatay sa Camarines Sur.

Ayon sa mga ulat, basag umano ang bungo ng biktima at walang saplot pang ibaba nang marekober ang kaniyang mga labi. 

Lumalabas sa imbestigasyon na isinama umano ang biktima ng kaniyang lola sa pagtitinda ng gulay sa palengke kung saan nawala ang bata. Agad umanong humingi ng tulong ang lola sa barangay upang matukoy ang lokasyon ng kaniyang apo. 

Batay umano sa kuha ng CCTV sa kanilang lugar, isinama ng trolly driver na suspek ang biktima. Napag-alaman ding kilala ng pamilya ng bata ang suspek na palagi na rin daw nilang inaarkila sa tuwing sila ay magtitinda.

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

Madali namang nasakote ng pulisya ang suspek na agad ding umamin sa kaniyang krimen at siyang nagturo sa masukal na lokasyon kung saan niya pinatay ang biktima.

Plano umano ng pamilya ng biktima na magsampa ng kasong rape with homicide laban sa suspek.