Nanindigan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na hindi nila bibigyan ng special treatment ang kasalukuyang senador at dating PNP chief na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kaugnay ito sa posibleng pag-aresto kay Dela Rosa hinggil sa hinaharap nitong warrant of arrest sa International Criminal Court (ICC), para sa kasong crimes against humanity.
Sa ginanap na press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, Mayo 14, iiimplementa daw ng PNP ang batas nang walang takot at pabor.
“Wala po tayong special treatment niyan, we implement the law without fear or favor,” saad ni Nartatez.
Aniya, katuwang ng PNP ang iba’t ibang ahensya sa pagsasagawa ng kanilang mga operasyon.
“And the Philippine National Police ay of course for eventuality arrest or whatsoever, we are always preparing ourselves para ma-improve ang ating operation,” aniya.
“...and backed-up by strong collaboration with the concerned agencies especially the Department of Justice in cases of warrant of arrest—and of course, in different law enforcement agencies,” ani Nartatez.
Sa naturang press briefing, isiniwalat naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ibeberika pa nila ang mga impormasyon hinggil sa umano’y pag-alis at kasalukuyang kinaroroonan ni Dela Rosa.
MAKI-BALITA: ‘We have yet to validate:’ NBI wala pang ideya patungkol sa pag-alis, kinaroroonan ni Sen. Bato-Balita
Ito ay matapos maganap ang isang Senate shooting noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, kung saan kinilala si Mel Oragon bilang umano’y pasimuno ng putukan.
Depensa ng NBI, hindi nila empleyado si Oragon—isa raw itong volunteer.
MAKI-BALITA: Matibag, itinangging empleyado ng NBI si Mel Oragon-Balita