March 19, 2025

Home BALITA

Sen. Robin, sinabing ilang araw nang 'di natutulog si Atty. Medialdea

Sen. Robin, sinabing ilang araw nang 'di natutulog si Atty. Medialdea
Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Nagbigay ng latest update si Sen. Robin Padilla sa kalagayan ni dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea nitong Martes, Marso 18, matapos mapaulat na isinakay siya sa ambulansya.

Sa video na iniupload ni Padilla, sinabi niyang naitakbo na nila sa ospital si Medialdea, na tumatayong isa sa mga legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagharap niya sa kasong "crimes against humanity" na isinampa sa kaniya ng International Criminal Court (ICC), sa The Hague, Netherlands.

MAKI-BALITA: Atty. Salvador Medialdea, isinakay sa ambulansya

Ayon pa sa senador, ilang araw na raw hindi natutulog si Medialdea dahil sa pressure na nakapatong sa kaniyang balikat para sa pagdepensa sa dating pangulo, sa kabila ng kaniyang edad.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

"Si ES po ay ilang araw nang 'di natutulog, pagod sa edad niya... nandiyan ang pressure sa mga balikat niya..." ani Padilla.

Nagpasalamat naman ang senador sa mabubuting mga taong naghahangad ng pagbuti ng kalagayan ni Medialdea gayundin sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila.

Naging mabuti naman daw ang pakikipag-usap sa kanila sa ospital, may "kortesiya" raw sa mga pasyente, na inaasam ng senador na sana ay ganoon din sa detention center ng ICC kung saan naroon ang dating pangulo.

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Philippine Embassy in the Netherlands hinggil sa estado ng kalusugan ni Medialdea.

MAKI-BALITA: Embahada ng Pilipinas sa The Netherlands, naglabas ng pahayag sa estado ni Medialdea