Nagbabala si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte laban sa isang pekeng Viber account na ginagamit daw ang kaniyang personal number.
“It has come to my attention that a viber account using my personal number has just been activated,” ani Duterte sa isang panayam nitong Lunes, Marso 17.
Kaugnay nito, binalaan ng mambabatas ang publikong huwag makipag-ugnayan o sumagot sa naturang Viber account.
“I would like to address the public that I did not make such viber account using the said number and that the public is hereby warned not to engage with the said viber account as the same is clearly made in an attempt to misrepresent myself,” saad ni Duterte.
Samantala, sa mga hiwalay na Facebook post ng mambabatas ay nagpasalamat siya sa mga patuloy umanong sumusuporta sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
Matatandaang noong Marso 11 nang arestuhin si FPRRD at dinala sa ICC headquarters sa The Hague, Netherlands dahil sa “crimes against humanity” kaugnay ng drug war nito.