Pinasinungalingan ng Police Regional Office 11 (PRO 11) ang kumakalat na social media posts na umano'y aarestuhin ng mga pulis si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Kumakalat kasi ang isang social media post na nasa 40 pulis daw ang huhuli sa alkalde ng Davao City.
"40 policemen to arrest Mayor Baste Duterte in Davao as per info," mababasa raw sa kumakalat na post.
Hindi naman tinukoy sa post ang dahilan o puno't dulo nito.
Sa ulat naman ng Philippine Information Agency (PIA), sinabi ng tagapagsalita ng PRO 11 na si PMAJ. Catherine Dela Rey na ang mga naispatang bilang ng kapulisan sa Davao International Airport ay regular deployment ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) XI, kaya't hindi raw totoo ang tungkol sa pag-aresto.
Mag-ingat daw sa mga kumakalat na fake news at pekeng impormasyon sa social media.