March 19, 2025

Home BALITA National

Matapos umiwas ng OSG: DOJ, tatayong counsel ng gov’t sa petisyon ng mga anak ni FPRRD

Matapos umiwas ng OSG: DOJ, tatayong counsel ng gov’t sa petisyon ng mga anak ni FPRRD
Justice Secretary Boying Remulla (Photo: DOJ/FB)

Irerepresenta ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal ng gobyernong nagsilbing respondents sa petisyong inihain ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema, pagkumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla nitong Martes, Marso 18.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na naisumite na nila ang komento sa Supreme Court nitong Lunes, Marso 17.

Ang naturang pahayag ni Remulla ay matapos ihain ng Office of the Solicitor General (OSG) nitong Lunes ang manipestasyon ng pag-iwas sa tungkulin nitong depensahan ang pamahalaan laban sa mga isinampang petition for habeas corpus nina Rep. Paolo, Mayor Baste at Kitty Duterte sa Korte Suprema para maibalik sa Pilipinas ang kanilang ama mula sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Batay sa nasabing Manifestation and Motion, nanindigan ang OSG na walang kapangyarihan o hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas. 

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands si FPRRD dahil sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga nito.

Nakatakda ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa ICC sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025