March 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim Chiu sinulatan ng pamunuan ng bakeshop dahil sa isyu sa tarpaulin

Kim Chiu sinulatan ng pamunuan ng bakeshop dahil sa isyu sa tarpaulin
Photo courtesy: Screenshot from Neil Sarao Paigalan (FB)/Kim Chiu (IG)

Ibinahagi ng "It's Showtime" host na si Kim Chiu ang larawan ng ipinadalang liham sa kaniya ng pamunuan ng ineendorsong bakeshop matapos mag-viral ang pagtatakip sa mukha niya sa tarpaulin sa branch nito sa Davao.

Nag-ugat ito sa binasang opening spiels ni Kim noong Martes, Marso 12 sa noontime show tungkol sa salitang "Dasurv."

Nagkataong kainitan ng pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaya naman inakusahan si Kim na nagpapatutsada raw sa nangyari sa dating pangulo.

MAKI-BALITA: Kim pinaratangang nagparinig laban kay FPRRD dahil sa salitang 'Dasurv!'

Tsika at Intriga

Keanna Reeves na-in love kay John Prats: 'Lapit nang lapit, kiss nang kiss!'

Agad namang pumalag si Kim at sinabing binabasa lamang niya ang script na ibinigay sa kanila.

MAKI-BALITA: Bintangero nag-sorry: Sey ni Kim, 'Mahalagang mag-fact check bago manghusga!'

Subalit tila huli na ang lahat dahil nagbanta ang mga tagasuporta ng dating pangulo na ibo-boycott nila ang pelikula nila ni Paulo Avelino na "My Love Will Make You Disappear."

Kaya nga raw napaiyak pa si Kimmy sa isang mall show nila sa Cebu dahil dito.

Sa Instagram stories naman ni Kim ay ibinahagi niya ang liham sa kaniya mula sa pamunuan ng bakeshop.

Photo courtesy: Kim Chiu (IG)

Nagpaabot sila ng advance na pagbati para kay Kim at tiniyak din nilang aaksyunan nila ang nabanggit na insidente sa tarpaulin.

Photo courtesy: Kim Chiu (IG)

KAUGNAY NA BALITA: Pagtatakip sa mukha ni Kim Chiu sa tarp ng bakeshop, umani ng reaksiyon