Nakakaloka ang rebelasyon ng isa sa mga celebrity big winner ng "Pinoy Big Brother" celebrity edition na si Keanna Reeves sa Fast Talk with Boy Abunda, matapos niyang amining "parang" na-in love siya sa isa sa naging celebrity housemates.
Inimbitahan ni Boy si Keanna at isa pang big winner ng PBB na si Myrtle Sarrosa mula naman sa teen edition.
Ito ay walang iba kundi ang aktor at direktor na si John Prats.
"'Di ba, walang kaabog-abog... naging bestfriends kami, tapos may isyu-isyu sa loob, kasi may girlfriend kasi siya no'ng pagpasok [Bahay ni Kuya]. Tapos mo'ng paglabas, parang naghiwalay yata sila.
Segundang tanong ni Boy, kung alam ba nilang hindi "matutuloy" sa relasyon ang kanilang sweetness sa isa't isa.
"Parang ano lang 'yon... siyempre pareho kaming artista, siyempre kaniya-kaniya na kaming buhay paglabas namin, sa loob lang 'yon kasi hindi mo maiiwasan Tito Boy. Tapos guwapo rin naman si John Prats," aniya pa.
"Iniyakan" pa nga raw niya si John Prats dahil nagki-kiss pa raw sila sa labi pero wala naman malisya!
"Ay umiyak din pala ako Tito Boy, kay John Prats, kasi nagki-kiss kami sa lips no'n, tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka raw mamisinterpret sa labas, tapos siya naman 'yong lapit nang lapit, siya naman 'yong kiss nang kiss!"
Nang tanungin naman ni Boy kung bakit hindi naman siya lumalayo, "Crush ko nga siya Tito Boy! Tapos no'ng ki-kiss na 'ko, napahiya tuloy ako, kasi parang naisip niya, parang kumi-kiss daw siya ng nanay, so may isyu... kaya umiyak ako, nagrereklamo ka bakit hindi mo sabihin sa akin, nagsabi ka pa kay Kuya na naiilang ka. Tapos umiyak pala ako no'n... pero mas naging close kami," anang Keanna.
Samantala, wala pang trug, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni John Prats tungkol dito.