March 19, 2025

Home BALITA National

FPRRD, maayos ang kalagayan; namimiss ang tuyo, munggo, piniritong saging

FPRRD, maayos ang kalagayan; namimiss ang tuyo, munggo, piniritong saging
Photo courtesy: Harry Roque/FB, ICC via Balita-MB/FB (screenshots)

Ibinahagi ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na maayos ang kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa isang video ni Atty. Harry Roque noong Lunes, Marso 17, nagbigay ng update si Medialdea tungkol kay Duterte.

"Okay naman siya, he's very in high spirits. Naiisip niya mga sumusuporta sa kaniya, nagpapasalamat siya sa inyong lahat, ituloy n'yo lang ang dasal," saad ni Medialdea.

"Isa sa mga namimiss niya ang kaniyang usual na kinakain, yung tuyo, munggo, at higit sa lahat yung piniritong saging. Yun ang nawawala sa kaniya. Other than that, he is okay basta't keep on praying for him. Maraming salamat po," dagdag pa niya.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Sinabi rin ni Medialdea na maganda rin daw ang itsura ngayon ni Duterte dahil nakahabol na ito ng tulog. 

Ibinahagi rin ng dating executive secretary na isang oras lang niya nabisita ang dating pangulo dahil sumusunod aniya sila sa protocol ng ICC. 

Matatandaang noong Sabado, Marso 15, sinabi ni Senador Bong Go na hindi raw ibinibigay ng ICC ang gamot ni Duterte kung kaya't tila nanghihina ito noong humarap sa Pre-Trial noong Biyernes, Marso 14. 

MAKI-BALITA: FPRRD, hindi raw binibigyan ng gamot habang nasa ICC—Sen. Go

Samantala, bahagi ng legal team ni Duterte sina Roque at Medialdea. 

MAKI-BALITA: British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman, tatayong lead counsel ni FPRRD sa ICC