March 19, 2025

Home BALITA Metro

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa basurahan na nakalagay sa kahon

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa basurahan na nakalagay sa kahon
(Barangay San Jose VAWC)

"Kawawang anghel na binalot na parang parcel..."

Natagpuan sa basurahan sa Antipolo City ang isang bagong silang na sanggol na babae nitong Martes ng umaga, Marso 18. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, na base sa inisiyal na imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ng basurero ang isang sakong pinaglalagyan ng sanggol sa may poste ng F. Manalo Street ng Barangay San Jose, at agad naman itong ini-report ng basurero sa mga awtoridad. Ayon naman sa isang tindero, nakita niyang dalawang lalaki umano ang nag-iwan ng sako bandang ala-una ng madaling araw. 

Gayunman, ayon sa awtoridad, wala nang buhay ang sanggol. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at pag-review ng mga CCTV footage malapit sa pinangyarihan ng insidente, 

Metro

Mayor Lacuna, hinikayat 'fur parents' na pabakunahan kanilang 'fur babies' sa vaccination program ng Maynila

Samantala, sa panayam ng ABS-CBN News kay Leilani Reyes, Violence Against Women and Children Officer ng Barangay San Jose, tila parang parcel ang bata nang makita nila ito. 

"Ang bata po ay parang nagsilbing parcel na nakabalot sa box. Kitang-kita ko po na ang bata po ay nakabalot pa po sa plastic labo at talagang tinanggal, pinunit po yung plastic labo at inayos po yung bata papunta doon sa pinaka box. Ang box po naka-pack pa po yun ng packing tape, so kawawang anghel na binalot na parang parcel," sabi ni Reyes. 

Tinatayang nasa 6-7 buwan ang sanggol na babae, 

Kaugnay nito, may paaalala rin si Reyes, sa parehong panayam sa ABS-CBN News, sa mga kababaihan na nagbuntis at hindi pa kayang panindigan.

"Sa mga nanay na dumanas nang pagbubuntis at hindi ready, huwag nila hayaang i-abort o itapon ang kanilang anak sapagkat 'yan po ay buhay. Makonsensya po sila sa kanilang mga maling ginawa dahil unang-una po ang bata ay anghel. Kung hindi po nila kayang buhayin puwede po nilang dalhin sa DSWD upang ipa-ampon," aniya.