Nagbigay ng reaksiyon si dating presidential legal counsel Salvador Panelo sa panawagang urgent investigation ni Senadora Imee Marcos para sa pagkaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ulat ng ONE News nitong Lunes, Marso 17, sinabi ni Panelo na hindi na raw dapat pang imbestigahan ang nasabing padakip sa dating pangulo dahil ito raw ay ilegal.
"Unang- una, hindi dapat imbestigahan, anong iimbestigahan niya? Para lang malaman kung legal? Susmaryosep. Siya ay tapos ng abogasiya, hindi siya abogado pero nagtapos siya, alam niyang illegal," saad ni Panelo.
Dagdag pa niya, "Alam niyang illegal, katunayan nga 'di siya sumama sa rally kasi hindi niya masikmura ‘yong ganon. e. Ano ba tawag mo doon, eh ‘di illegal.”
Matatandaang inanunsiyo ng senadora ang hindi niya pagdalo sa rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Marso 14 dahil hindi raw niya matanggap ang ginawa kay Duterte.
MAKI-BALITA: Imee Marcos, 'di raw dadalo sa Alyansa rally dahil hindi matanggap ginawa kay FPRRD?
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong binira ni Panelo si Marcos. Matapos kasi nitong ianunsiyo ang hindi niya pagdalo sa nasabing rally ay pinatutsadahan siya ng dating presidential legal counsel.
“‘Yan ang sagot ko sa kaniya. Bolahin mo lelang mo,” sabi ni Panelo.
MAKI-BALITA: Salvador Panelo, pinatutsadahan si Imee Marcos: 'Bolahin mo lelang mo!'