March 19, 2025

Home BALITA National

Pasasalamat ni PBBM kay FPRRD noon sa pagpapalibing sa amang si Marcos Sr., naungkat ulit!

Pasasalamat ni PBBM kay FPRRD noon sa pagpapalibing sa amang si Marcos Sr., naungkat ulit!

Muling naungkat ang social media post ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. kung saan pinasalamatan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpapalibing sa ama niyang si Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.

"Lubos ang aming pasasalamat na pagkatapos ng 27 taon, naging isang katuparan ang mabigay sa aking ama ang tunay at karapat-dapat nyang pagkilala. Sa tulong ng ating mahal na Pangulong Rody Duterte, ang Kataas-taasang Hukuman at ang mga taong walang sawang sumusuporta sa aming pamilya, maraming maraming salamat! Nawa'y maging simula ito ng tunay na pagkakaisa ng bawat Pilipino!" saad ni Marcos sa isang Facebook post noong Nobyembre 18, 2026.

Kung babalikan, sa ilalim ng administrasyon ni Duterte noong 2016 nang mailibing si Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani. 

Kaugnay nito, inungkat ng mga tagasuporta ni Duterte ang naturang post ng pangulo at sinabihan siyang walang utang na loob.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Narito ang mga komento: 

Samantala, noong Linggo, Marso 16, 2025, inungkat din ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagpapalibing ng kaniyang ama kay Marcos, Sr.

“Yung tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero yung tatay ko pinakulong mo. P***ngina ka,” giit ni Baste. 

BASAHIN: Mayor Baste, sinumbatan si PBBM: 'Yung tatay mo pinalibing ng tatay ko, pero yung tatay ko pinakulong mo!'

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila