March 19, 2025

Home BALITA Politics

Pagtanaw ng utang na loob, hindi dapat magtraydor sa batas —Usec. Castro

Pagtanaw ng utang na loob, hindi dapat magtraydor sa batas —Usec. Castro
Photo Courtesy: Screenshot from PCO (FB), Ivy Tejano/MB

Nagbigay ng tugon si Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa isinumbat ni Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matatandaang sa ginanap na pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw noong, Linggo, Marso 16, inungkat ni Mayor Baste ang pagpapalibing ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

““Yong tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero ‘yong tatay ko pinakulong mo. P***ngina ka," saad ni Mayor Baste.

MAKI-BALITA: Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila

Politics

Salvador Panelo kay Imee Marcos: 'Ano pa iimbestigahan mo?'

Ngunit ayon kay Usec. Castro sa isinagawang press briefing nitong Lunes, Marso 17, sinabi niyang hindi raw dapat madiskaril ng utang na loob ang hustisya at batas.

“As early as 2016, dati pa pong senador ang pangulo ngayon, nagpasalamat na po ang pangulo—2016 pa po—sa Supreme Court na nagbigay ng desisyon na dapat ilibing ang kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani,” saad ni Castro.

MAKI-BALITA: Pasasalamat ni PBBM kay FPRRD noon sa pagpapalibing sa amang si Marcos Sr., naungkat ulit!

“Nagpasalamat din po siya, [...] 2016 pa po ito nang magpasalamat ang dating Senador Bongbong Marcos,” pagpapatuloy niya. “And I quote, ‘We also would like to extend our sincerest gratitude to President Rodrigo Duterte as his unwavering commitment to this issue sustained us these past several months. Our family will forever be thankful for this kind gesture.”

Dagdag pa niya, “Noon pa po sila nagpasalamat. At sinabi nga nila forever silang tatanaw ng utang na loob sa napakagandang gesture ng dating Pangulong Duterte. Pero ang pagtanaw po ng utang na loob ay hindi dapat madiskaril at hindi dapat magtraydor sa batas at sa hustisya.”