Umani ng reaksiyon at komento mula sa netizens ang naging pahayag ni "It's Showtime" host Vice Ganda tungkol sa tunay raw na kalaban ng edukasyon, sa Wednesday episode ng noontime show, Marso 15.
Habang kinapapanayam nila ang isang resbaker sa "TNT Grand Resbak," nasabi ni Vice Ganda na hindi raw kamangmangan ang tunay na kalaban ng edukasyon kundi ang paniniwalang alam mo na ang totoo, pero ang totoo, hindi mo pa rin talaga alam.
"Ang kalaban daw ng edukasyon ay hindi naman kamangmangan. Ang kalaban ng edukasyon ay yung paniniwala mo na alam mo, pero ang totoo, hindi mo alam," saad ni Vice Ganda.
Iniugnay ng komedyante-TV host ang kaniyang sinasabi tungkol sa paglaganap ng fake news.
"Maraming tao ngayon na akala nila alam nila. Akala nila kapangyarihan nila 'yon, eh hindi naman tama 'yong kanilang alam..."
"Hindi rin sapat na mayroon kang edukasyon, tama ba ang edukasyon mo?"
"Nilalabanan natin ang fake news kasi iyan talaga ang kalaban ng edukasyon..."
"'Yong fake news kasi, pinaniniwala 'yong mga tao na totoo 'yon, pero hindi," aniya pa.
Kilala si Vice sa pagbibigay ng kaniyang mga komento at saloobin tungkol sa mga nangyayari sa lipunan.
Kamakailan lamang ay nagbigay siya ng paalala sa mga tao patungkol sa obligasyon ng isang tax payer, na hindi lamang basta dapat nagbabayad ng buwis, kundi inaalam din kung saan ito napupunta.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, kinilalang Top TaxPayer ng BIR
MAKI-BALITA: Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda
MAKI-BALITA: Vice Ganda nagpasaring tungkol sa pagbagsak ng tulay sa Isabela