“It has always been your advocacy to fight for what you believe is right for the country…”
Pinuri ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang paglaban daw ni Senador Risa Hontiveros para sa pinaniniwalaan niyang tama para sa Pilipinas.
Sa latest episode ng kaniyang talk show vlog na “ToniTalks” na inilabas nitong Linggo, Marso 16, ipinaliwanag ni Toni kung bakit si Sen. Risa ang isa sa mga naisip nilang kapanayamin ngayong Women’s Month.
Doon ay sinabi ni Toni na isa raw si Sen. Risa sa kanilang mga naisip na mga babaeng tumitindig para sa tama.
“When we were talking about sino ba yung mga trailblazers, sino yung mga women who are fighters, who stand up for what is right, in the midst of what is popular, isa po kayo sa naisip namin,” ani Toni.
“Because it has always been your advocacy to fight for what you believe is right for the country,” saad pa niya.
Samantala, napag-usapan nina Sen. Risa at Toni sa naturang video ang buhay ng senadora bilang isang single mom, sa pagpasok niya sa politika, at bilang kasalukuyang senadora ng bansa na nagsusulong para sa karapatan ng kababaihan.
MAKI-BALITA: Sen. Risa, ininterview ni Toni Gonzaga para sa Women’s Month