March 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!
Photo courtesy: (contributed photo)

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na pumatay sa 7 taong gulang na batang babaeng natagpuan sa umano’y isang balon sa Butuan City noong Sabado, Marso 15, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: 7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, kinumpirma umano ng pulisya na nakainom ang suspek bago tuluyang pasukin ang bahay ng biktima at saka raw ito pinagsusuntok hanggang sa mapatay at pinagsamantalahan.

Napag-alamang isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang ina ng biktima, na naunang nanawagan ng tulong sa kaniyang social media, matapos mawala ang biktima. 

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

Lumalabas naman sa imbestigasyon na galing umano ang suspek sa isang inuman kung saan siya naglasing matapos daw siyang iwanan ng kaniyang live-in partner. Nasakote ng mga awtoridad ang suspek na inamin at kalauna’y inamin din ang ginawa niyang krimen. 

Samantala, kinondena naman ng Commission on Human Rights Caraga Region ang nangyari sa biktima.

“The Commission on Human Rights Caraga Regional Office strongly condemns the brutal rape-slay of a seven-year-old child in Barangay Basag, Butuan City. All forms of violence committed against innocent children are a blatant desecration of human life and dignity,” anang CHR Caraga Region sa kanilang Facebook page noong Sabado. 

Nahaharap sa kasong rape at at murder ang suspek.