Bukod sa "Bring Back Home, FPRRD," isa rin sa mga pinanawagan ng mga Dabawenyong tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., sa ginanap na programa para sa pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw, Linggo, Marso 16.
Bago magsimula ang pagsasalita ng kanilang alkaldeng si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte, sumigaw muna ang mga tagasuporta ng "Marcos resign!"
Pagkatapos nito ay may direkta at maanghang na mensahe si Mayor Baste, anak ng dating pangulo, para kay PBBM.
"Mr. President Marcos, you will never be loved! Especially to us who are calling out Rody Duterte's name, you will never be loved, Mr. Marcos."
"We will stand up and we will fight back!" aniya.
Kaugnay pa rin ito sa pagkakaaresto ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11, dahil sa kasong crimes against humanity.
KAUGNAY NA-BALITA: Mayor Baste kay PBBM: 'You will never be loved!'
Noong Biyernes, Marso 14, ay humarap na ang dating pangulo sa pre-trial hearing.
KAUGNAY NA BALITA: Pagharap ni FPRRD sa pre-trial ng ICC, sinubaybayan ng pamilya ng mga biktima ng war on drugs
Isasagawa naman ang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23.
KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025