Inungkat ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagpapalibing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa kaniyang talumpati para sa programa ng 88th Araw ng Dabaw ngayong Linggo, Marso 16.
KAUGNAY NA BALITA: Mayor Baste kay PBBM: 'You will never be loved!'
“Yung tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero yung tatay ko pinakulong mo. P***ngina ka,” giit ni Baste.
Matatandaang noong Marso 11, nang tuluyang maaresto si dating Pangulong Duterte sa pamamagitan ng International Criminal Police Organization (Interpol) nang magbaba ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) at makipagtulungan.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Kaugnay nito, nauna nang dumipensa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at nilinaw na hindi umano isang “political prosecution” ang naging tugon ng pamahalaan na maaresto si dating Pangulong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, itinangging 'political persecution' pag-aresto ng ICC kay FPRRD