March 17, 2025

Home BALITA National

Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila

Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila
Photo courtesy: Ivy Tejano (MB)

Hindi napigilan ni Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte na makapagbitiw ng mura laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nang maungkat niya ang pagpapalibing ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

Nagsalita si Mayor Baste laban kay Pangulong Marcos, Jr. bilang bahagi ng talumpati niya sa pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw, Linggo, Marso 16, na naging daan na rin para iparating ang panawagang pabalikin na sa Pilipinas ang dating pangulo, na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) para sa paglilitis sa kasong "crimes against humanity."

Dito ay tahasang sinabi ni Mayor Baste na "synonymous" daw o katumbas ng kahulugan ng "Martial Law" ang apelyidong Marcos.

Nagpakawala rin ng maaanghang na pahayag ang alkalde na hindi raw kailanman makararanas ng pagmamahal si PBBM sa taumbayan, kagaya ng nararanasan ngayon ng kaniyang ama.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

"Mr. President Marcos, you will never be loved! Especially to us who are calling out Rody Duterte's name, you will never be loved, Mr. Marcos," pahayag ni Mayor Baste.

"We will stand up and we will fight back!" aniya.

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Baste kay PBBM: 'You will never be loved!'

Pagdating naman sa isyu ng pagpapalibing kay Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani na nangyari sa panahon ng administrasyon ng kaniyang ama, "“Yung tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero yung tatay ko pinakulong mo. P***ngina ka."

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Baste, sinumbatan si PBBM: 'Yung tatay mo pinalibing ng tatay ko, pero yung tatay ko pinakulong mo!'

Bukod dito, sumigaw rin ng "Marcos resign!" ang mga dumalo sa nabanggit na programa.

KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ng mga Dabawenyong dumalo sa Araw ng Dabaw: 'Marcos resign!'

Ayon sa pulisya ay umabot sa 30,000 katao ang dumalo naman sa isinagawang "unity walk" kaugnay ng event.

KAUGNAY NA BALITA: Mga nakiisa sa 'unity walk' sa Araw ng Dabaw, umabot sa 30k

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni PBBM tungkol sa pagmumura at mensahe laban sa kaniya ni Mayor Baste.