Bukod sa update tungkol sa kaniyang lovelife, nagbigay din ng pagpapahalaga si “Queen of All Media” Kris Aquino para sa pagmamahal na ibinibigay ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap para sa kaniya.
MAKI-BALITA: Kris Aquino, isiniwalat dahilan bakit siya iniwan ng jowang doktor
Sa latest Instagram post ni Kris nitong Linggo, Marso 16, ibinahagi niya ang kasalukuyang kalagayan kalakip ang larawan niya kung saan makikitang karga-karga siya ni Bimby.
“Last night my rheumatologist tried ultrasound assisted targeted steroid shots on my knees…. My body reacted the same way i did when we tried 34 months ago the steroid challenge,” lahad ni Kris.
“Bimb is now doing MMA training and i weigh less than 80 lbs, only 36 kilos,” pagpapatuloy niya. “I cannot walk, each step is agony. The excruciating pain is from my knees all the way to my feet, a combination of deep bone pain (lupus arthritis, Polymyositis, and acute fibromyalgia).”
Ayon kay Kris, ibinahagi niya ang kasalukuyan niyang reyalidad dahil gusto raw niyang makapagbigay ng pag-asa.
“When you are unconditionally loved, when like me you are blessed with a son who will do all to lessen his mama’s physical & emotional suffering - HINDI KA SUSUKO,” aniya.
Dagdag pa ng Queen of All Media, “TINITIIS ko yung matinding sakit na parte na ng bawat araw ko dahil ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas.”
Sa huli, pinasalamatan ni Kris ang Diyos, ang mga taong nagdarasal para sa patuloy niyang paggaling, si Bimby, at si Celda Santos para sa pag-aalaga nito kay Josh.
“TULOYANGLABAN ” pahabol pa niya.