May maikling mensahe umanong ibinahagi si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang mga tagasuporta, kasunod ng pagkakaaresto niya sa International Criminal Court (ICC).
Sa panayam ng media kay VP Sara matapos ang pagdalo niya sa pre-trial ni dating Pangulong Duterte sa ICC noong Biyernes, Marso 14, 2025, binanggit ng Pangalawang Pangulo ang naging bilin daw ng kaniyang ama.
“Darating din tayo diyan. Pero sa ngayon, ibigay mo muna sa akin ang mensahe mo para sa kanila,” ani VP Sara.Dagdag pa niya, “Sabi niya, ‘Relax lang, may hangganan ang lahat. A day of reckoning will come.”
Kaugnay ng panayam ng media kay VP Sara, na nabisita na raw niya ang dating Pangulo na nasa maayos na kalagayan. Maka-ilang beses na rin umano siyang sinasabihan ni dating Pangulong Duterte na umuwi na ng bansa.
“When we talked, as a request, he asked me to go home so he repeatedly said, ‘Do not leave the country, do not leave the Philippines,’” aniya.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas