April 16, 2025

Home BALITA National

FL Liza, ibinida larawan nila ng pamilya kasama si Imelda

FL Liza, ibinida larawan nila ng pamilya kasama si Imelda
Photo courtesy: Liza Marcos (IG)

Usap-usapan ang Instagram post ni First Lady Liza Araneta Marcos matapos niyang i-flex ang larawan nila ng pamilya, na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., mga anak na sina Joseph Simon at William Vincent, at biyenang si dating First Lady Imelda Marcos, habang sila ay nasa hapag-kainan.

"Happy Sunday everyone! " mababasa sa caption ng post, Linggo, Marso 16, sa verified Instagram account ni FL Liza. 

Mapapansin namang wala sa larawan si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

Samantala, sa kaparehong araw ay idinaos naman ang 88th Araw ng Dabaw kung saan nagbigay ng maanghang na mensahe si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte laban kay PBBM, kaugnay pa rin sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC), sa kasong "crimes against humanity."

National

50°C na heat index, naitala sa Los Baños, Laguna

MAKI-BALITA: Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila

Wala pang reaksiyon, tugon, komento, o pahayag ang kampo ng pangulo tungkol dito.