Tila makahulugan ang dasal ni senatorial aspirant Bam Aquino para daw sa bayan, sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Marso 16.
“Panginoon, gabayan Mo ang aming bayan at ang aming mga pamilya. Balutin Mo ng pagmamahal ang aming mga puso para maibahagi ang kabutihan sa aming kapwa. Amen,” saad ni Aquino.
Bagama’t walang binanggit na dahilan kung bakit siya humihingi ng gabay, matatandaang kamakailan ay tila nagkagulo ang bansa sa pagputok ng balita tungkol sa pagkaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang arrest warrant na inihain kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC) ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Noong Biyernes, Marso 14, ikinasa ang unang pagharap ni Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber. Matapos nito ay itinakda ng korte ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa darating na Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025