March 17, 2025

Home BALITA National

Atty. Kristina Conti, pumalag sa mga umaatake sa EJK victims

Atty. Kristina Conti, pumalag sa mga umaatake sa EJK victims
Photo courtesy: Kristina Conti (FB)/via BALITA

Umalma si International Criminal Court (ICC) assistant counsel at tumatayong abogado ng mga biktima ng "extra-judicial killings" na si Atty. Kristina Conti sa mga natatanggap na bash gayundin ng mga biktima ng "war on drugs" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mababasa sa kaniyang X post, Linggo ng tanghali, Marso 16, hinikayat ng abogado ang mga netizen na pagtulungan na lamang itama ang mga maling facts at narratives na kumakalat sa social media.

"Simula na ng pag-atake sa mga tao - sa mga biktima (Adik yung napatay - and? Dapat na ba patayin?), sa abogado (Hindi ako bayaran), sa mga tumutulong, sa korte (Puno ng mga mura ang pages ng ICC), at maski sa judges (Hindi lang English ang official langauge ng korte,....may misogynistic comments). Maraming hindi totoo, at mas maraming mapanlait lang," aniya.

"Pagtulungan na lang po natin i-correct ang facts at ang narrative. Mahirap tapatan ang troll farms, pero kakayanin din natin yan," dagdag pa niya.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'