March 17, 2025

Home BALITA National

5.1-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte; aftershocks, asahan!

5.1-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte; aftershocks, asahan!
(Courtesy: Phivolcs/FB)

Isang 5.1-magnitude na lindol ang yumanig sa probinsya ng Surigao del Norte dakong 9:10 ng umaga nitong Linggo, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 5.1 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim ng 10 kilometro.

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.