April 02, 2025

Home BALITA National

VP Sara, sa umano'y 'search warrant' sa kanilang mga tahanan: 'There will be planted evidence!'

VP Sara, sa umano'y 'search warrant' sa kanilang mga tahanan: 'There will be planted evidence!'
Photo courtesy: Ryan Ang/Manila Bulletin

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang naging payo niya sa kaniyang mga kapatid, hinggil sa umano'y planong paghalughog sa kani-kanilang mga tahanan sa Davao City. 

Sa panayam ng media kay VP Sara matapos ang pagdalo niya sa pre-trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) noong Biyernes, Marso 14, 2025, iginiit niya ang umano'y posibilidad na taniman daw sila ng mga ebidensya. 

"I mentioned to my siblings that you don't have control over this anymore. I just told them just secure your valuables, just allow them to do the search and we expect that there will be planted evidence inside the houses," anang Pangalawang Pangulo. 

Dagdag pa niya, "I told them that no one should be hurt, no one should resist, just allow them to do what is legal." 

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Matatandaang kamakailan lang nang umugong ang bali-balitang nakatakda raw pasukin ng pulisya ang bahay ng mga Duterte sa Davao City, kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte.

KAUGNAY NA BALIRA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Samantala, mariin naman kinondena at pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang nasabing isyu ukol sa search warrant sa tahanan ng mga Duterte.