March 16, 2025

Home BALITA National

PNP, nakatutok sa minamatahang 'rally sites' ng pro-Duterte supporters

PNP, nakatutok sa minamatahang 'rally sites' ng pro-Duterte supporters
Photo courtesy: File photo

Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga napapabalitang kilos-protesta ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Super Radyo dzbb kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo nitong Sabado, Marso 15, 2025, iginiit niyang nakatutok na raw ang kapulisan sa mga posibleng rally sites ng mga "pro-Duterte."

"Nakatutok po tayo sa mga napapabalitang rally sites po at normal naman po sa PNP na mag-adjust sa ating alert status, para siguraduhin po na may kahandaan ang ating PNP," ani Fajardo. 

Paglilinaw pa ni Fajardo, nakaantabay lamang daw ang kapulisan para sa seguridad at proteksyon ng mga raliyista.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

"Kapag may rally mayroon naman talagang, andiyan ang mga pulis, binabantayan at pinoproteksyunan ang mga nagra-rally para na din sa kanilang security and safety, hindi para makipagtalo at argumento," saad ni Fajardo. 

Saad pa ni Fajardo, wala pa umano silang nababalitaan na nagkaroon ng mga tensyon sa pagitan ng mga raliyista at kapulisan. 

"Wala pa naman po tayong namomonitor na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga nag-rarally na nagpapakita ng suporta sa ating dating Pangulo," anang PNP spokesperson.