Umani ng diskusyunan ang viral video kung saan makikitang tinakpan ang mukha ng "It's Showtime" host na si Kim Chiu sa tarpaulin ng umano'y branch ng isang sikat na bakeshop sa Davao, sa hindi pa malamang dahilan.
Ibinahagi ito sa Facebook post ng isang nagngangalang "Neil Sarao Paigalan."
Subalit sapantaha ng mga netizen, ito ay matapos makuyog si Kim Chiu sa kontrobersiyal niyang opening spiels noong Miyerkules, Marso 12, tungkol sa salitang "Dasurv" habang nakaturo sa camera.
Isang netizen ang nang-away kay Kim at pinaratangan siyang nagpapasaring daw sa inarestong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) sa kasong "crimes against humanity."
Pero paglilinaw ni Kim, binasa lang daw niya ang spiels at wala naman daw siyang pinariringgan.
MAKI-BALITA: Kim pinaratangang nagparinig laban kay FPRRD dahil sa salitang 'Dasurv!'
Agad namang nag-sorry ang netizen sa kaniya.
"Mahalaga po mag #FactCheck bago manghusga at akusahan ang isang tao. Let’s all be responsible citizens. Magtulungan tayo wag magsiraan. God bless po ang lahat," aniya.
Hindi naman nabanggit ni Kim kung may balak siyang magsampa ng reklamo laban sa nabanggit na netizen, kahit na hinihikayat siya ng fans na "magpa-sampol."
MAKI-BALITA: Bintangero nag-sorry: Sey ni Kim, 'Mahalagang mag-fact check bago manghusga!'
Samantala, umani naman ng reaksiyon at komento ang ginawa sa mga tarpaulin ni Kim.
"Property nila yun, they can decide what to do with it "
"Dasurb"
"Kim Chiu dapat nirerespeto sya. D nya deserve nyang gaya ng nangyayari kay tatay digong."
"Masyado naman kasi itong mga De-De-Es makapag-react!"
"Ampalaya bread ba ang tinda nila? Grabeng ka bitteran nyan. If franchise yan or COR store man, lagot sila sa core mgmt."
"Naging mahina na talaga ang comprehension, IQ at EQ ng mga tao ngayon. Oh well baka madala pa sa saboy ng asin."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Kim maging ang pamunuan ng It's Showtime tungkol dito.