Sinubaybayan ng ilang kaanak ng mga biktima ng war on drugs ang unang pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pre-trial sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kinaharap niyang kasong crime against humanity noong Biyernes ng gabi (oras sa Pilipinas), Marso 14, 2025.
Matatandaang naaresto si dating Pangulong Duterte noong Marso 11, 2025 sa ilalim ng arrest warrant na ibinaba ng ICC.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Samantala, bago ang naging pagharap ng dating Pangulo, nagkaroon din ng “black Friday protest” ang ilang grupo noong Biyernes ng hapon, bitbit ang panawagang ma-convict si dating Pangulong Duterte, kaugnay ng kaniyang madugong kampanya kontra droga.
Samantala, kaugnay naman ng nasabing pre-trial, inihayag ng ICC na sa darating na Setyembre 23, 2025 pa ang nakatakdang “confirmation of charges hearing” para kay dating Pangulong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025