March 17, 2025

Home SHOWBIZ

Mavy Legaspi, nagpaalam na bilang host-mate sa Bahay ni Kuya

Mavy Legaspi, nagpaalam na bilang host-mate sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Screenshots from Pinoy Big Brother (YT)

Emosyunal si Kapuso Sparkle artist Mavy Legaspi nang ipaalam sa kaniya ni Big Brother na lalabas na siya sa bahay nito bilang host-mate.

Sa isang episode ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” noong Biyernes, Marso 14, binigyan si Mavy ng 100 minutes ni Kuya para makasama ang mga kapuwa niya housemate bago siya tuluyang magpaalam.

“Can't wait to see what the outside world has for you, guys. I'm very excited for your journey,” saad ni Mavy matapos ang takdang oras na ibinigay sa kaniya.

Dagdag pa niya, “I'll be rooting for each and every one of you. So I'm gonna really miss you guys. This gonna be my last night. I’m leaving now. [...] Thank you so much.”

Tsika at Intriga

Vice Ganda, sinabing hindi kamangmangan tunay na kalaban ng edukasyon

Matapos magpaalam ay dinamayan si Mavy ng girlfriend niyang si Ashley Ortega na isa rin sa mga housemate.

Matatandaang si Mavy ang tanging naiwang host sa loob ng Bahay ni Kuya matapos mabigo sa task na pinapagawa niya sa naiwang hosts na sina Gabbi Garcia, Alexa Ilacad, at Melai Cantiveros.

MAKI-BALITA: Ashley pakabait daw sa PBB house: 'Mahirap na nakabantay mama ng jowa mo!'