Pinagpipiyestahan ng mga netizen ang screenshot ng umano'y lumang tweet ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa kaniyang kasiyahan sa pagiging miyembro na raw ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) noong 2011.
Mababasa sa umano'y lumang tweet ni Roque noong Agosto 16, 2011, bandang 5:45 ng hapon, "At long last, the Phil to be a member of ICC! Despots, murderers, torturers beware!"

Sa latest na mga kaganapan patungkol sa pagkakaaresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong "crimes against humanity" at pagsasagawa ng pre-trial hearing noong Biyernes, Marso 14, kasama ni Vice President Sara Duterte at Sen. Robin Padilla ay lumitaw si Roque upang maging legal counsel ng dating pangulo, dahil accredited umano siya ng international tribunal.
Samantala, umani naman ng reaksiyon at komento ang lumang post ni Roque.
"Ang sipag naman talaga mag halungkat"
"Eh di pa nya kakilala si prrd nun eh."
"Grabe 2011 Ang galing niyo manghalungkat!!"
"Paano yan mga DDS ano na script niyo."
"Yung minulto ka ng nakaraan mo..."
"Eh ano ngayon??? Katagal na nyan 2011 pa."
"bakit di na pala pwede mag bago ang isip??? huh kami nga nag bago isip nung nabudol kami ng bangag eh..."
"August 16 2011 mga shunga.. search nyo na anong date nag wedraw na hinde na tayu member sa icc.."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Roque tungkol dito.