April 02, 2025

Home SHOWBIZ Events

Iza Calzado, masayang nakatuntong ulit sa Eat Bulaga matapos ang 14 taon

Iza Calzado, masayang nakatuntong ulit sa Eat Bulaga matapos ang 14 taon

Masaya ang Kapamilya actress na si Iza Calzado nang muli siyang makabisita sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga," pero this time, sa TV5 na.

Batay sa Instagram post ni Iza kamakailan, 14 taon na pala siya simula nang makatapak ulit sa EB stage. Bumisita si Iza sa noontime show para mag-promote ng horror movie nila ni Dimples Romana, ang "The Caretakers."

"It’s been 14 years since I stepped on the Eat Bulaga stage. I’m so happy to see all my Dabarkads from 2011 and meet some new ones when we promoted The Caretakers on the show a few weeks ago. ," aniya. 

"Grateful for such a warm welcome and I’m so happy to know that, truly, once you are part of the Dabarkads, you will always be a part of the Dabarkads. ," pahayag pa.

Events

Awra Briguela sa yate nag-birthday party, umani ng reaksiyon

Noong 2011 ay naging guest co-host si Iza ng nabanggit na noontime show.