March 16, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go
(photo courtesy: Bong Go/FB, contributed photo)

"Alam n'yo ba wala siyang tsinelas?"

Tila naawa si Senador Bong Go sa sinapit umano ni dating Pangulo Rodrigo Duterte kamakailang dalhin ito sa The Hague, Netherlands.

"Alam n'yo ba wala siyang [Duterte] tsinelas? Pati tsinelas, pati tsinelas niya wala. Nakapaa. Huli naming pag-uusap nasa eroplano pa siya. Sabi ni Atty. Medialdea, nakapaa siya," saad ni Go nang humarap sa mga tao sa isinagawang prayer rally na "Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong" ng PDP-Laban sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado, Marso 15.

Bukod dito, sinabi rin ni Go na hindi raw binibigyan ng gamot si Duterte habang nasa kustodiya ng  International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

National

FPRRD, hindi raw binibigyan ng gamot habang nasa ICC—Sen. Go

BASAHIN: FPRRD, hindi raw binibigyan ng gamot habang nasa ICC—Sen. Go

Matatandaang noong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang 

Noong Miyerkules ng gabi, Marso 12, nang dumating si Duterte sa Rotterdam Airport. Kasunod nito ay dinala na siya sa kustodiya ng ICC.

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC

Noong Biyernes, Marso 14, nang humarap si Duterte sa ICC para sa Pre-Trial hearing sa pamamagitan ng video link.

BASAHIN: Medialdea, iginiit sa ICC na ‘kidnapping’ nangyaring pag-aresto kay FPRRD

Samantala, itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

BASAHIN: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025